“BITUIN SA DILIM NG KAMANGMANGAN”
Guro, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sayo
Sa iyong pagtuturo,
Kami’y patuloy na natututo
Sa mundo na puno ng dilim
Ikaw ang aming tanglaw
Tila bituin na nagbibigay
Liwanag sa aming araw
Ang iyong gabay sa bawat landas
Taga payo sa bawat pangarap
Sa bawat problema, ikaw ang sangkap
Sa bawat hirap, ikaw ang siyang sandigan
Nagturo ka ng mga tunay na halaga
Hindi lamang sa mga libro
Kundi sa buhay mismo
Guro, salamat sa walang sawang pagtuturo
Ang iyong pagsisikap ay walang hanggan
Binuksan mo ang daan patungo sa kaalaman
Tulad ka ng bituin na hindi naglalaho
Ikaw ay hindi namin malilimutan
Sa pag-aalaga at pagmamalasakit,
Ikaw ang ilaw na patuloy na gumagabay
Mga aral at kabutihan mo’y mananatili
Sa puso’t isipan, habang ako’y nabubuhay
No comments:
Post a Comment